WIRE โ€” Kuwento ng pangungulila ang mapapanood sa bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Pinamagatang "Kailan Muling Makakapiling?" kuwento ito ni Julie (Shaira Diaz) na nawalay sa kanyang mga magulang. Lumaki si Julie sa Pilipinas kahit walang ni isang patak ng dugong Pinoy. Dinala kasi siya dito ng Finnish niyang tatay na si Ahro (Kuya Kurt) nang maghiwalay sila ng nanay ni Julie na isang Thai national. Dahil kinailangan magtrabaho ni Ahro sa ibang bansa, naiwan si Julie sa poder ng malupit niyang stepmom. Makakapiling pa ba muli ni Julie ang mga magulang? Abangan ang brand-new episode na "Kailan Muling Makakapiling?: The Julie Forsberg Belleza Story," August 8, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.