WIRE โ€” Pumanaw na ang kilalang veteran entertainment columnist, radio anchor, at talent manager na si Jobert Sucaldito, o mas kilalang Nanay Jobert sa edad na 65. Inanunsyo ng Facebook page ng online channel na 'Oras ng Opinyon Talakayan at Diskusyon' (OOTD) ang malungkot na balita ng pagpanaw ng veteran entertainment columnist na si Jobert Sucaldito. Siya ay isa sa mga pangunahing host ng naturang online show. Sa aming mga minamahal na manonood at tagasuporta, lubos po naming ipinapaalam na ang aming pinakamamahal na Nanay Jobert Sucaldito ay mapayapang pumanaw ngayong Agosto 2, 2026, pahayag ng pamunuan ng OOTD. Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang kanyang mga nakatrabaho at mahal sa buhay sa walang sawang suportang natanggap ni Jobert mula sa publiko sa loob ng maraming taon sa industriya ng showbiz. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, suporta, panalangin, at pagtangkilik sa kanya sa paglipas ng mga taon. Ang kanyang mga alaala, kabutihan, at mga naiwan niyang kwento ay mananatiling buhay sa aming mga puso, dagdag pa sa pahayag. Kasabay nito, humiling ang pamilya at mga kasamahan ng panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng tinaguriang Nanay Jobert ng showbiz industry, pati na rin ang lakas para sa kanyang pamilya sa panahong ito ng matinding pagdadalamhati. Hinihiling po namin ang inyong panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan at para sa aming pamilya sa panahong ito ng matinding pagdadalamhati, nakasulat sa pahayag. Paalam, Nanay Jobert. Hanggang sa muli. Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kasamahan, mga kaibigan, at mga tagasubaybay ng pumanaw na kolumnista. Rest in peace dear classmate Jobert, eternal rest grant unto his soul o Lord, let perpetual light shine upon him, sulat ng isang netizen. Prayers and condolence for the whole family of Nay Jobert, pakikiramay ng isa. Omg last night naka pa nood pa ako sa kanya rest in peace po, ani ng isa pa. Bago ang kanyang pagpanaw, ibinahagi kamakailan ng kanyang co-host na si Chaps Manansala na naisugod sa ospital ang veteran columnist dahil sa matinding anxiety at kawalan ng maayos na tulog sa loob ng halos isang buwan. We're now at Providence Hospital. For almost a month now, Nanay Jobert Sucaldito has been experiencing anxiety and has barely been able to sleep. We're grateful that he finally agreed to be brought to the hospital so he can receive the care he needs, sulat ni Chaps sa kanyang post. Bagamat inanunsyo ang kanyang pagpanaw, hindi pa naglalabas ng tiyak na detalye ang kanyang pamilya hinggil sa mismong sanhi ng kanyang pagkamatay, pati na rin sa gaganaping burol at huling hantungan nito. Samantala, narito ang iba pang personalities at kamag-anak ng ilang artista na pumanaw ngayong 2026

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.