WIRE — Buhay ng komedyanteng si Petite o Vincent Aycocho sa tunay na buhay, ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na 'Magpakailanman.' Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent, pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya. Kahit madalas mag-away, hindi pa rin nito iniwan ang ama. Makikilala ni Vincent si Jesicca, babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya. Kaya kahit kasing edad nito ng kanyang ina, makikipagrelasyon si Vincent kay Jesicca para mapasaya ang kanyang ama. May anak din si Jesicca na kasing edad ni Vincent, si Alma. Laking gulat nina Vincent at Jesicca nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalangtao pa ang dalaga. Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito? Si Kevin Santos ang gaganap bilang si Petite, habang si Dennis Padilla naman ang gaganap bilang kanyang amang si Arvin. Si Snooky Serna ay si Jesicca at si Ashley Rivera naman ang gaganap bilang Alma. Abangan ang buhay ng komedyanteng si Petite sa "When I Fall in Laugh: The Vincent Aycocho Story," August 1, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.