WIRE โ May pasilip ang Unang Hirit sa set ng You're My Favorite Song sa finale week nito! Dinala ng You're My Favorite Song star at guest host ng Unang Hirit na si Lee Victor ang mga manonood sa isang eksklusibong tour at pasilip sa set ng kanilang romance-drama series sa GMA Afternoon Prime. Ngayong linggo, malapit nang magtapos ang kuwento ng makulay na buhay ni Angel na ginagampanan ni Caprice Cayetano, kasama ang tatlong lalaki sa kaniyang buhay na sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa). Bago pa man tuluyang magwakas ang serye, binisita ni Lee ang lead stars sa mismong set habang nasa finale shoot ang mga ito. Kinumusta at tinanong niya ang cast tungkol sa kanilang mga paghahanda para sa nalalapit na pagtatapos ng show. Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime! Tingnan ang all access tour ni Lee Victor sa set ng You're My Favorite Song sa gallery na ito.
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.