WIRE โ€” Puno ng saya at kilig ang fans at supporters ng hit afternoon series na You're My Favorite Song matapos ang naganap na highly-anticipated Brighton Bay Ball! Muling pinatunayan ng 'CapEath' na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales ang kanilang matinding chemistry nang hirangin ang kani-kanilang mga karakter na sina Angel at Miguel, na mas kilala ng fans bilang 'AnGuel,' bilang Brighton Bay Ball's King and Queen! At para lalong iparamdam ang next-gen kilig sa kanilang tagasuporta, nagbahagi ang Kapuso young heartthrob at lead actor ng serye na si Heath Jornales ng kaniyang exclusive na pasilip sa ilang mga larawan kasama ang young Kapuso actress na si Caprice Cayetano sa kanyang Facebook account. Tuwang-tuwa rin ang mga fan sa comments section sa naging tagpo ng dalawa. Ipinaalala pa ng ilan na hindi ito ang unang beses na nakoronahan ang dalawa. Dahil bago pa man maging Prom King and Queen ang kanilang karakter na sina Angel at Miguel, nagwagi na rin sina Heath at Caprice bilang King and Queen sa Kislap Ball ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0. From Kislap Ball to BBA Ball, at kinasal pa ngani sila, komento ng isang fan. Super cute mas ka-CapEath pa talaga kami, sabi pa ng isa. Na para bang sila sina Romeo Juliet! sulat ng isa pang fan. Patuloy na subaybayan sina Heath at Caprice bilang sina Miguel at Angel sa You're My Favorite Song, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 PM, pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime. Silipin ang off-cam photos nina Angel at Miguel mula kay Heath Jornales sa gallery na ito.

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.