WIRE โ Kuwentong kagandahan ang tampok sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.' Pinamagatang "Maldita Girl," tungkol ito sa vlogger na gandang-ganda sa sarili. Maganda ang panlabas na anyo pero napakasama ng ugali ni Veronica (Shayne Sava). Sa tulong ng best friend niyang si Ralph (Raynold Tan), tatanggapin niya ang challenge ng isang misteryosong app. Gamit ito, mawawala ang beauty ni Veronica at mababawi lang ito tuwing magpapakita siya ng kabutihan. Maibabalik ba ni Veronica ang ganda niya? Huwag palampasin ang brand-new episode na "Maldita Girl," July 19, 2:00 p.m. sa 'Regal Studio Presents.' Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.