WIRE โ€” Isang kumplikadong kuwento ng pamilya ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Pinamagatang "Ang Katatagan ng Isang Ina," tungkol ito sa isang nanay na ipaglalaban ang karapatan ng anak na special child. Nasa autism spectrum ang anak ni Salome na si JR. Sa hindi inaasahang pagkakataon, magbubunga ang pagmamahalan ni JR at ng girlfriend nitong si Judith. Matagal nang tutol sa relasyon ng dalawa ang nanay ni Judith na si Joan. Kaya nang malaman niyang buntis ang anak, ilalayo niya si Judith at ang sanggol. Paano ipaglalaban ni Salome ang karapatan ni JR? Abangan ang brand-new episode na "Ang Katatagan ng Isang Ina," July 18, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.