WIRE โ€” Umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga manonood ang naging emosyonal at mainit na episode ng GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song noong Lunes, July 13. Umikot ang naturang episode sa paghahanda ni Zion (Marco Masa), sa tulong ng kaibigang si Angel (Caprice Cayetano), ng isang birthday surprise para sa kaniyang crush na si Charm (Waynona Collings). Ngunit hindi ito nagustuhan ni Charm, dahilan upang labis niyang masaktan si Zion at ipahiya ito pati na si Angel sa pamamagitan ng kaniyang mga masasakit na salita at gawa. Ngunit sa likod ng kamera, tila puro tawanan at kulitan ang naganap sa pagitan ng mga cast members! Sa kaniyang Instagram account, masayang ibinahagi ng Kapuso young actress na si Waynona Collings ang ilang nakakaaliw na behind-the-scenes photos na nagpapakita ng kanilang samahan sa set habang ginagawa ang naturang rejection scene sa serye. All smiles here :), sulat ni Waynona sa caption ng kaniyang post. Patuloy na subaybayan si Waynona Collings bilang si Charm sa You're My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano; Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime! Silipin ang behind-the-scenes at off-cam photos na ibinahagi ni Waynona Collings kasama ang YMFS cast sa gallery na ito.

"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."

This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.