WIRE โ Usap-usapan kamakailan ang hiwalayan ng social media influencer na si Sachzna Laparan at ng kaniyang boyfriend na si Mark Pascual, na isa ring content creator. Bukod kasi rito, inilahad din ng social media personality na hindi na niya pababayaran ang utang ng dating nobyo na nagkakahalagang PhP50 million. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, July 13, nilinaw ni Sachzna na naghiwalay sila ni Mark dahil napagod na siya sa panloloko ng huli. Sabi ni Sachzna, hindi dahilan ang utang ng dating nobyo at walang third party na involved. Hiniwalayan daw niya ito dahil nadadamay na ang kanyang pangalan sa mga ginagawa ni Mark. Ang hindi ko na po kaya 'yung nada-drag na po 'yung name ko kasi pangalan ko na lang 'yung meron ako, Tito Boy. Mawalan man ako ng pera, meron akong pangalan na iniingatan, sabi ni Sachzna. Alamin ang kwento ni Sachzna tungkol sa pagkakautang ni Mark sa gallery na ito:
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.