WIRE โ Muling nag-trending at naghatid ng 'next-gen kilig' online ang Kapuso teen romance-drama series na You're My Favorite Song! Naging usap-usapan sa social media nitong Huwebes, July 9, ang pinakabagong episode ng GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song dahil sa todo-suporta ng fans at viewers sa pinakahihintay na pagpasok ng karakter ni Heath Jornales na si Miguel sa prestihiyosong Brighton Bay Academy. Dahil sa umaapaw na suporta ng mga manonood, agad na pumasok sa trending topics ang serye, kaya naman hindi napigilan ng Kapuso young actor na magpaabot ng kaniyang pasasalamat sa kanilang masugid na fans at supporters. Kasabay ng trending na episode, sa kaniyang Facebook account, nagbahagi rin si Heath ng mga behind-the-scenes at off-cam photos na nagpapakita ng kanilang solid na samahan sa set sa shoot ng ipinalabas na episode noong Huwebes. #YMFS is trending! Thank you Buzzbears! #YoureMyFavoriteSong, sulat ni Heath sa caption ng post. Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano; Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime! Silipin ang behind-the-scenes at off-cam photos na ibinahagi ni Heath Jornales kasama ang YMFS cast sa gallery na ito.
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.