WIRE โ Ramdam na ramdam pa rin ang pagmamahal at pananabik ng fans para sa Kapuso actor na si Ken Chan. Sa isa sa kanyang latest Facebook posts, muling nagparamdam ang aktor sa kanyang fans sa pamamagitan ng pag-post ng "Hi" emoji. Sa comments section ng kanyang post, nag-iwan din siya ng heart emoji at teary-eyed emoji, na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga. Marami ang nag-isip na isa itong paraan ng aktor upang ipakitang nami-miss din niya ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya. Hindi naman napigilan ng kanyang fans at followers na mag-react sa kanyang simpleng post. Marami ang nagpahayag kung gaano nila nami-miss ang aktor at sinabing sabik na silang makita siyang muli sa telebisyon. Marami rin ang patuloy na tumatawag sa kanya na "Boyet," ang kanyang karakter na minahal sa 2018 series na My Special Tatay. Noong 2024, nasangkot si Ken sa kasong syndicated estafa, na isinampa laban sa kanya ng dati niyang co-investor. Inanunsyo rin niya ang pansamantalang pagpapahinga sa showbiz noong June 2024 dahil sa health reasons. Ang huli niyang proyekto sa telebisyon ay ang pagganap bilang Doc. Lyndon sa Abot-Kamay na Pangarap. RELATED GALLERY: Ken Chan's most memorable characters
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.