WIRE โ Nagsalita na rin ang Sparkle actress na si Sofia Pablo upang linawin ang usap-usapang pagtigil ni Allen Ansay sa panliligaw sa kanya matapos ang inilabas na pahayag ng aktor sa social media. Nilinaw ni Allen sa comments section ng TikTok na itinigil na niya ang panliligaw kay Sofia noong Marso. Ayon pa sa aktor, nananatili ang respeto at suporta nila sa isa't isa. Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, July 6, ipinaliwanag ni Sofia ang tunay na dahilan kung bakit itinigil ng Code Grey actor ang panliligaw sa kanya. "Mahirap po talaga i-balance 'yung career and love life. And syempre pareho po kami na bata pa, and marami kaming dreams for our family," pahayag niya. Dagdag pa niya, "Maybe it's not the right time to continue talaga na i-pursue namin 'yung isa't isa." Ibinahagi rin ng aktres na napag-usapan nila ni Allen na huwag nang isapubliko ang estado ng kanilang ligawan dahil personal na bagay ito para sa kanila. Ngunit, aniya, "But we understand the fans na syempre magtataka sila kung bakit hindi na kami nagkakasama." Nilinaw din ni Sofia ang mga isyung nag-uugnay sa kanya sa fellow ex-PBB housemate at Kapamilya actor na si Iigo Jose. "Kasi syempre may fan gatherings kami, and even inside the house, naging close naman po talaga kami. I don't think dapat talagang isipin ng tao na there's someone involved kung bakit tumigil si Allen kasi clear po talaga sa amin ni Allen na tumigil kami kasi we want to focus on our respective careers," paliwanag niya. Sa kabila nito, sinabi ni Sofia na nananatili pa rin silang magkaibigan ni Allen. "Opo naman. Syempre kailangan din namin mag-grow outside of our love team," sagot niya nang tanungin kung bukas pa rin ba siyang makatrabaho ang aktor. Sina Sofia at Allen ay kilala bilang "Team Jolly," na nabuo matapos ang kanilang unang on-screen pairing sa 2019 series na Prima Donnas. RELATED: Sweetest photos of Team Jolly - Allen Ansay and Sofia Pablo
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.