WIRE โ Legally separated na si Jelai Andres sa kaniyang dating partner na si Jon Gutierrez na kilala rin bilang si King Badger. Sa newest vlog ni Jelai na mapapanood sa kaniyang YouTube channel, ini-reveal ni Jelai na siya ay annulled na. Ibinahagi niya ang tungkol dito sa kaniyang loved ones at maging sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz at fellow content creators. Sa unang parte ng vlog, mapapanood na inakala ng marami na buntis si Jelai matapos niyang biglaang mag-abot at magpakita ng papers na ang nakasulat pala ay tungkol sa annulment nila ni Jon. Spotted sa reaction videos na isinama niya sa vlog ang best friend niyang si Buboy Villar, co-members niya sa DoLaiNab na sina Donnalyn Bartolome at Zeinab Harake, former co-star at friend sa showbiz na si Kokoy de Santos, at marami pang iba. Mapapanood din na naging emosyonal si Jelai habang nasa isang restaurant nung i-reveal sa kaniya ng kaniyang kapatid ang annulment. Biro ng isa sa mga pamangkin ng vlogger-actress, You can have four boyfriends now. Sabi ni Jelai sa kaniyang vlog, Masaya po ako kasi finally, officially nawala na sa mundo ko 'yung kasal. Pinakamahirap na pinagdaanan na chapter ng buhay ko. Sobrang dami ko pong natutunan. "Yung annulment ko, kasama siya sa prayers ko every day," dagdag pa niya. Si Jelai Andres at Jon Gutierrez na nakilala bilang JoLai tandem ay nagkarelayson noong 2015 at ikinasal naman sila noong October 6, 2018. Naghiwalay sila noong 2019 at nagkabalikan noong 2020. Makalipas ang isang taon, muling nagkahiwalay ang dalawa dahil sa umano'y naulit na infidelity umano ni Jon. Silipin ang relationship timeline nina Jelai at Jon sa gallery sa ibaba.
"We aggregate wires to encourage regional discovery, sending readers directly back to the original source to explore full coverage."
This is a normalized overview of the breaking feed event. The complete, official release detailing all points, background context, and statements remains hosted by the original publisher.